Let your imagination play.

Wednesday, August 11, 2010

Daranak Falls on a Tuesday

Kagabi, maaga pa lang inantok na ko, tumigil na ko mag-Facebook pero dahil feeling ko maaga pa (12MN lang kase un), nagluto pa ko ng dalawang pancit canton at kumain habang nanonood ng Bounty. Nag-feeling singer pa ko, Pody mode hanggang 4:07AM. (Natatandaan ko pa.)
Mommy: "Huy Angela! Gising! Nandyan sin a Kuya Ron!"

Me: "Ha?! Kala ko hindi tuloy..."
Mommy: "Bilisan mo! Oh, eto towel mo."
*sabay bangon*

Ganyan nagsimula ang araw ko. Hindi ko alam kung gusto na ko palayasin ng nanay ko. Haha. Linggo pa lang alam ko nang pupunta kami sa Cardona, Rizal (hindi ko alam kung bakit, basta sumama lang ako) pero akala ko hindi tuloy kase walang updates kaya nagpuyat ako... hanggang sa sinundo na nila ako sa bahay. Mabilisang ligo at walang aga-agahan dahil nahiya naman ako magpahintay. Pinabaunan na lang ako ng isang balot na Inipit. :D

Cast of characters:
Ron Concepcion
Chad Jocson
Ning Madrid
Faving Javier
Angela Solomon
Junard Hilotin

9AM na kami nakaalis. Smooth ang byahe hanggang sa malaman naming plakda ang gulong namen bandang Vista Verde. Akala ko nagpapa-cute lang ung driver nung delivery truck kaya busina ng busina. Haha. Nagpa-vulcanize pa kame. Ewan ko kung sinong me balat samin. :))

Direcho byahe. Dahil inaantok talaga ako at flexible naman ako, nakatulog pa ko sa likod ni Revo. Hanggang sa namalayan kong nasa Cardona na kami. Almost 11AM na rin.

Our Lady of the Holy Rosary Parish ung pinuntahan namin, sa pagkakatanda ko. Late na kami. Nagstart na ung "meeting". Tungkol saan? Sa kooperatiba, loading business, paulit-ulit na tanong ng mga tanong ng tanong at echo ng boses nung nagsasalita na kinabubwisitan nung lalaking nasa harapan namin. Pambihira.

12NN. Tapos. Binigyan kami ng free lunch. (Pumunta kami dun para lang talaga kumain.) Gulay na may gata + buto ng manok (este, leg ng manok) + rice + saging (good for 5 lang, binigay ko na lang sa may sakit). Umalis na rin kami. Direchong Tanay. Bumili ng lunch extension sa Jollibee at nag-desserts at nakiinom dahil walang free juice o softdrinks. Sows.

Binalak namin pumunta ng Daranak Falls tutal andun na rin kami. Kahit may sakit si Kuya Ron, ung pagka-"kalad" nya, hindi mo na talaga maaalis sa katawan nya. From main road, 2.5 kms lang daw pero parang binaybay na namin mula Tanay hanggang Marikina. Pataas, pababa. Sementado, mabato. Maputik, tuyo. Lugar kung saan wala kang karapatang maubusan ng gas at magpaabot ng dilim.

Ngayon lang ako nakarating don. Natuwa ako dahil ngayon lang ulit ako nakakita ng falls. Pagbaba ng sasakyan, lakad-lakad naman. Pataas, pababa. Sementado, mabato. Mabato, mabato. Mabato, mabato. Bukod sa unang falls na nakita namen, minabuti naming lumipat sa Batlag Falls kung saan kami nag-stay. 50 pesos ang entrance. Sinisingil pa kami para sa cottage pero buti napapayag naming huwag na lang. At pinipilit ni Tita Faving ang Senior Citizens' discount.

Kain agad ng lunch extension. Swimming na sila. Naglublob lang ako ng paa dahil wala akong dalang extra damit. (Tulad ni Tita Faving. Losers kami.) Sinundo pa naman nila ako. Sayang, hindi ko kasi naalala. Pero maniwala kayo, sinabi ni Kuya Ron yon nung Sunday para kung sakaling me ibang plano. Ayun. Malas. Ung nararamdaman ko, para akong batang nakakakita ng ice cream, gustong-gustong kumain pero hindi makabili dahil walang pera... Joke lang yan. Nag-enjoy na ko sa paglublob-lublob ng paa. Ang sarap-sarap. Ang lamig kase ng tubig. :)

Wala akong dalang camera. Si Kuya Ron lang. Pero dahil ayokong maghintay ng ilang araw at mabitin bago ko makita ung pictures, ung cellphone ko na lang ginamit ko. Kaya pasensya na, low res. Bigyan nyo ko pambili DSLR para high res. Thanks. :]

Some stolen shots were deleted. Baka kase me maospital dyan sa pagka-stress, ako raw ang lagot. :))

Commercial: Binebenta ko nga pala ung camera ko. Sony Cybershot DSC-S500. Baka interesado kayo.

Halos 4PM na rin kami nakaalis. Nakaraos ung palublob-lublob lang ng paa. Pero syempre, nakakabitin pa rin. Pero okay na ung makita ko silang masaya. :] (Ang plastik. Ang totoo, inggit na inggit talaga ako. Hahaha!)

Maagang dinner sa Johnny's Masinag. Manok na naman. :| Pero bakit kahit buong araw akong nag-manok, hinding-hindi talaga ako nagsasawa... :) (Reminiscing college days... HAHA.) At maraming mukhang goons dun. Nakakatakot kase baka biglang holdapin ung buong resto. Tas ung lolo naka-iPhone. Nahiya naman ako. :))

Pupunta pa sana kami kina Tita Nor (Kuya Christian's Mom) pero wala raw sa bahay kaya umuwi na kami.

Habang nasa Johnny's kami, nabasa ko to sa isang article sa Philippine Star:

"Laughter is like a mental floss which clears the cobwebs of your mind."
Isang nakakapagod pero napakasayang araw na naman ang nakalipas!